Bakasyon Na!

Spy Goggles para sa Show and Tell. Astig!

Nakatutuwa ang mga dinala ng aking mga estudyante. Sa ikalawang taon ng aking Show and Tell, hindi naubusan ng mga interesanteng bagay ang aking grade 2 students tulad ng scooter, baseball bat, bahay na gawa sa lego, mga pagon at kung anu-ano pa. Ang dami pa nilang kwento tungkol sa mga ito at sa iba pang mga bagay na gusto nila na nais kong marinig. Kaya lang, lilipat na sila sa grade 3. Isa na namang grupo ng mga batang nakasama ko ng sampung buwan ang lilisan at magpapatuloy sa kanilang paglaki at pagkatuto.

Sa pagtatapos ng isa na namang school year, di ko maiwasang matanong sa sarili, sa dami ng gurong makikilala pa ng mga bata, tatatak kaya ako sa kanila?

Alam ko balang araw masasagot rin ang tanong na iyan. Pero sa ngayon susulitin ko na ang nalalabing dalawang araw na sila ay aking makakasama. Sana kahit papaano napasaya ko sila sa aking mga bloopers, mga jokes, at mga lessons na akademiko at iba pa. Sana may naiwan ako sa kanilang mga aral na magagamit nila sa kanilang pagharap sa buhay.

Advertisements

When Children Talk About Homosexuality

I have this grade 2 student let’s name “R” who seems effeminate to his classmates. He gets teased about it everyday (i.e. bakla!), specially by the boys of the class.

So today, as R was about to deliver his show-and-tell, I explained to the class that sometimes there are boys who simply move “gracefully”, and it doesn’t necessarily mean they’re gay.

I also told them that to begin with there is nothing wrong with being gay. I then asked them if they knew of any nice and good gay persons.

As the hands of my students shot up the air, they named uncles, brothers, neighbors, and friends who they really love and like.

Then, I asked the boys of the class.

Those who care for R, come up front and hug him.

And then almost all of the boys, even those who teased him, hugged him tightly.

Everybody smiled as R started talking about his remote-control car.

😀

Resign Pala Ha?

One of the Engagement activities I painted for my Kids 🙂

Dahil tingin ko ibinigay ko na ang lahat sa trabaho at na-burn out ako ngayong linggo, The Giving Tree ni Shel Silverstein ang tinuro ko sa mga bata.

At focus ko: Loving back people who love you.

Drama book for grade 2. Muntik na namang may umiyak na bata. Well ako hindi ako umiyak ngayong linggo (WEH?!).

Ok. Binalak ko mag-resign. Pinasa ko ang resignation paper. Nag-isip ako uli at binawi. Mukang ewan nga lang actually. Kaya naman hindi na nakapagtataka na nasabon ako dun. Sorry talaga.

Isa pang ok. Na-realize ko lang teh na ang exag at ang drama ko minsan. Feeling ko kasi nasa pelikula ako at may conflict. Iba na nga papanoorin ko. Si Popoy at Basya kasi nagsimula ng linggong ito. Ayan ONE MORE CHANCE ang drama ng career ko.

Isa pa ulit na OK. Hay naku, kahit ilang beses ko i-try iwan, tae! Mahal ko yung pagtuturo sa early grades. Pera lang talaga at pagod ang kalaban mo. In-attempt ko na naman lumipat ng trabaho (sales trainer ang kinokonsider ko. San ka pa?!). Wow lang ang walang kwenta at unecessary effects nito sa buhay ko.

Last na ok. Hindi naman ako nag-sna-snap everyday pero na-realize ko kulang pa efforts ko sa pag-deal sa emotions ko. Tae much. Tama, I-tatae ko na lang ito.

Ang bakla na masyado ng post na itech. Dahil  diyan, nanalo kaya si Heart Dino sa Elections?

Recover mode muna ako. Napagod ako sa drama ng linggong ito.

Special mention kay Maam Dedette ng UPIS CA EMA department sa oras na ibinahagi niya sakin at sa pagtulong niya sa aking mag-isip ng mas obdyektib (sorry at nawala ang etymology sa pagbabay ko ng objective). Teach! You saved my life today 🙂

Sa mga nagbabasa na hindi naman nag-co-comment: mag-comment naman kasi kayo bigla ko na lang nalalaman binabasa niyo pala ito 😛

BTW: Adjectives at Fractions ang tinuturo ko ngayon habang Canon formation at deformation ang sa MA. (wow, magkaugnay lang, hindi ba?)

2 Papers (MA) for March. Postive thoughts na agad! Dami kong babawiin at itatama sa buhay ko. KERI!