Si Totoy Guro

  • Pangalan: Totoy Guro
  • Edad: 21
  • Interes: Outdoor activities, storytelling, isports, musika (lalu na ang pagtugtog ng piano), mga paguusap at diskusyon, mga libro, tsaa, at pagkain.
  • Tirahan pang-global: Philippine Village
  • Ideolohiya: humanistic, 60% konserbatibo, 40% liberal
  • Mga Lengwaheng alam: Ingles, Filipino, konting Pranses, at mas konting Latin

Panibagong blog, panibagong pakikipagsapalaran sa sistemang pang-edukasyon dito sa mahal kong bayan.

Sa darating na Hunyo ay magsisimula na akong magturo. Hindi bilang isang student teacher katulad noong nakaraang semestre ngunit bilang isang ganap na guro. Kaya naman nararapat lamang na simulan ko itong blog na ito na lalaman ng aking  mga pakikipagsapalaran bilang isang guro. Sa blog na ito matatagpuan ang aking mga ideya bilang isang guro sa loob ng classroom at paaralan at bilang isang simpleng nilalang na may buhay rin naman sa labas ng classroom at paaralan.

Kaya naman naisipan kong salitang totoy ang idikit sa salitang guro upang ipahiwatig ang aking pagiging baguhan sa larangan ng pagtuturo.

Ang salitang totoy ay madalas gamitin para sa mga batang kalalakihan na hindi pa tunay na marunong sa buhay–nariyan ang mga simpleng pagkakamali, pagkalimot ng mga dapat gawin, minsan katamaran, minsan ay lubos na pagkasabik at kung anu ano pa. Subalit, hindi nangngahulugang  ganito na lamang ang magiging buhay ng isang totoy sapagkat ang salitang ito ay kumakatawan rin sa isang batang may potensyal at likas na mapagisip, mapagpuna, at mapanaliksik ngunit nangangailangan pa ng paghubog ng panahon at karanasan.

Kinalaunan, ako ay tatanda ngunit batid kong hindi mawala ang aking pagiging totoy pagdating sa pagtuklas ng maraming-maraming kaalaman lalu na sa bokasyon ng pagtuturo.

Hindi na ako makapaghintay! Magiging masaya ito!

Advertisements