A Letter from a Student

I am only on my fourth week of teaching but I have recently received my second and third letters from two of my students, and so far, this is the funniest and most interesting of all of them.Although I rarely get mad at my students, I find it interesting that some of them are sensitive to the teacher’s having a hard time because of the noise of their other classmates without the teacher even having to point it out.

This sensitivity is something great about most children. Sometimes, adults don’t even have an inkling what other people are feeling at a given moment even when it is already very apparent.

Insensitivity brings about misunderstanding. No wonder the world is in chaos.

As for the girlfriend matter, all I have are smiles for that.

😀

Limang Bilang at Tatlong Palabas

Ikatlong linggo ko na ito ng pagtuturo. Alam ko dapat hindi ako nagbibiliang ngunit hindi ko mapigilan. Paano ba naman, ang daming pagbabago at pag-a-adjust ang aking ginagawa.

  1. Ang hirap pala mag-budget ng pera. Ngayong hindi na ako estudyante, sagot ko na ang aking pang araw-araw na gastusin. Mula sa pagkain, tirahan, damit at kahit pamimili ng mga gamit, ako na ang namamahala sa mga ito.
  2. Iba pala talaga ang pagiging guro mula sa pagiging practicum teacher. Kailangan ko na magkaroon ng sariling pamamaraan sa pagdidisiplina at pagtuturo. Wala ng supervising teacher na nariyan para gumabay araw-araw.
  3. Sinusubukan pa rin ang aking time-management skills. Di tulad ng ibang trabaho, araw-araw may uwing gawain ang mga guro para sa susunod na araw (tulad ng paggawa ng worksheets, materials at lesson plans). Kaya naman nangangapa pa ako sa kung paano ko pagkakasiyahin lahat ng aking mga gawain sa iisang araw o iisang linggo. Nakakapagod pala ang pagtuturo.
  4. May mga taong sanay akong makita at makasama na hindi ko na madalas makita’t makasama. Kasama na rito ang aking pinaka-matalik na kaibigan na nag-a-adapt rin sa pagiging guro, iba pang kaibigan na dati rati’y madali lamang hagilapin na ngayo’y may kani-kaniyang trabaho na, at isang mahalagang taong nasaktan ko ngunit sadyang hanggang ngayon ay na sa isipan  ko pa rin.
  5. At ang pinakamahalagang pagbabago at pag-a-adjust na aking ginagawa ay ang paninindigan ng pagiging isang tunay na guro na nangangahulugang pagiging tuwirang modelo sa mga mag-aaral sa loob at labas ng paaralan.Hindi na ako basta-bastang maaring gumawa ng mga bagay na gusto ko sapagkat responsibilidad ko na ang kung anu man ang imaheng nakikita na mga mag-aaral sa akin.

Masaya naman ako sa aking napiling bokasyon. Ngunit hindi kaila na mahirap siyang talaga. Dasal ko na sana’y hindi ako mapagod magturo sa mga bata sapagkat ang pagtuturo sa kanila ang nagbibigay kaligayahan sa akin.

Katulad ng lagi kong sinasabi sa aking mga kaibigan, kapag nagtuturo ako sa mga bata dama ko ang presensya ng Maykapal na bumabalot sa akin kahit na galit o asar na ako sa mga batang lagi na lamang pasaway.

Heto na. Nagsisimula na ang aking paglalakbay bilang isang guro.

At para simulang ang linggong ito, nanood ako ng Toy Story 3 kasama ng aking mga kaibigan. Nakakaiyak at nakakaluha at nakaka-sentimental. Naalala ko pa noong una kong napanood ang Toy Story 1 at 2 (itaas na larawan). Pagkatapos ng labing-isang taon at pagkatapos ng napakaraming mga pangyayari sa buhay ko, binalik muli ako ng Toy Story 3 sa aking masayang kabataan.

Pinaalala sa akin ng palabas na ito na nagbabago nga talaga ang buhay. Napakabilis pa nito. Bumilang ka lamang ng tatlong parts ng isang movie marami na ang maaaring mangyari. Para lang akong si Andy. Parang kelan lamang, nagsimula ako sa Kolehiyo. Ngayon, Nagsimula na akong magtrabaho

TOY STORY 3 rocks 🙂

First Week then the Next

The first week has been a blast for me–blast as in i was blasted to fatigue, to tears, to paranoia, to fear but also to happiness, to excitement and to dreams ready to be reached.

I am still dumbstricken. The first week of my teaching felt like forever.

Totoyguro and His Classroom

I and my co-teacher have been decorating and fixing our classroom for the past few days. With my jeans, sando, tools and creativity, I was able create simple corners and displays inside the room with the main message quoted from one of my favorite authors C.S. Lewis

we read to know we are not alone

Tomorrow will officially be my first day as a “real” teacher. I will be meeting not only my students but also the parents of my class.

Nervous. Scared. Happy.

Ang Natutunan Ko mula sa Fashion Show

Inanyayahan ako ng aking kaibigan na si June Samson Pugat upang manood ng Philippine Fashion Week: Grand Allure Collection sa SMX Convention Center noong Linggo. Kasama ng aking pinsan at kaibigan, natunghayan namin ang mga damit na dinisenyo ni June kasama ang mga damit na gawa ng iba pang mga fashion designers.

Syempre bilang isang fashion event iyon, bihis na bihis ang mga tao. Nakatatawa (hindi nakatutuwa)  lang kasi sobrang gamit na gamit ang mga fedora, vests, at mga man bags at purses na mas gusto kong tawaging gay bags at purses sa dahilang hindi na kailangang ipaliwanag.

At dahil bahagi ang palabas na ito ng fashion world kung saan ang hitsura, pananamit at katawan ang mahalaga maaring sabihing hindi gumagana ang konsepto ng beauty within sa larangang ito. Hindi naman nakikita kung mabait, masipag, mapagpatawad o kung ano ka pa. Ang mahalaga maayos at maganda ka tingnan. Ngunit hindi rin naman nangagahulugang basta basta ka na lamang manghuhusg. Aaminin ko dala ng inggit parang gusto kong pumuna ng pumuna ng mga tao sa fashion show na iyon. Pero sa totoo lang wala tayong karapatang humusga lalu na kung ang nakikita lang natin ay ang panlabas na kaanyuan. Siguradong ang lahat ay may kaniya-kaniyang iniisip sa buhay at siguro’y pinagdaraanang mga pagsubok.

Minsan, dahil insecure o naiinggit tayo, pumupuna tayo ng mga mali ng iba. Parang sa Fashion world, mayayaman ang karamihan, magaganda ang mukha’t katawan pero kung di tayo dapat pumuna ng mga pangit at mahihirap ganun rin tayo dapat sa mayaman at maganda.

Maliban sa napakgandang palabas sa fashion week na ito, at maliban sa ito ay kauna-unahang fashion show na aking pinuntahan, ito rin ang nagturo sa akin mas maging kuntento sa sarili ko at huwag mang husga 🙂