Ng sa Trabaho’y Magkagulo at Ang Gurong Iyon

career.truman.edu/.../coverletters.aspMasaya ako sa aking trabaho, nakakapagod, nakakawala ng boses ngunit sadyang gusto at pangarap ko ito. At dahil ito ang aking kauna-unahang full-time job, hindi ko naisip na hindi lamang pala sa  mismong trabaho makakakita at makararanas ng pagod at stress. Ito kasing nakaraang linggo, nahuli na ang kumuha ng nawawalang laptop ng departamento.

Hindi inaasahan ng lahat na isa palang kapwa  guro ang kumunuha ng nawawalang laptop. Kaya galit na galit sila sa gurong iyon. Ramdam ko ang galit at poot sa loob ng faculty ng halos isang buong linggo. Nakakalungkot at nakakahawa ang stress na dala ng sitwasyon.

Bagamat walang maikakatwiran ang gurong iyon nalungkot ako sa lahat ng mga sinasabi ng ibang mga teachers tungkol sa kanya. Kahit papaano, naging kaibigan ko rin naman kasi ang guro iyon kaya naman kahit gulat na gulat ako, tingin ko ay hindi na makatarungan ang ibang mga pinagsasasabi nila tungkol sa gurong iyon.Sa tingin ko kahit hindi ko kaibigan ang salarin may mga bagay na hindi na dapat sinasabi.

OO, siya nga ang kumuha ng laptop pero hindi na ata tama na pagusapan pa na ang boyfriend raw niya na galing rehab, na mahirap sila, na may mga tanong siya sa discussion sa klase na common sense lang at walang kwenta at sadyang ayaw lang talaga nila sa gurong iyon. Maaari naman siguro ito pag-usapan sapagkat opinyon nila ito pero sana’y hindi sa panahong lugmok na lugmok na ang gurong iyon sa pagkakamali na kaniyang nagawa at sa epekto nito sa kaniyang paligid. Ang masaklap pa nito mismong mga co-teachers ko ang nagkuwento sa iba pang teacher sa ibang departamento.

Alam ko hindi ko sila masisisi sapagkat nakaktakot at nakagagalit nga namang may isang taong sumira ng tiwala nila ngunit pakiramdam ko may mas mabuting paraan para ilabas ang takot at galit na ito.

Hindi ako nagmamalinis. Sigurado ako na minsan ko na ring hinusgahan at pinag-tsismisan ang isang tao ngunit kahit papaano ay pinipigilan ko naman ito. Sabi nga nila

hate the sin, not the sinner

Nang makarating ang balitang ito sa principal, hindi pinyagan ang gurong iyon na mag-resign para sa isang honorable dismissal. Mukhang siya ay sisisantihin dala ang pangalan ng “magnanakaw.” Paano na lamang isya makakukuha ng isa pang trabaho. Bata  pa siya, may nagawang pagkakamali na tingin ko ay hindi naman niya ginusto, at marami pa siyang pwedeng gawin.

Sana lamang naiisip ito ng ibang tao. At sana may lakas ako ng loob para ipaalala ito sa kanila ng walang pagmamarunong at pagmamalinis. Gusto ko lang sana ng isang humanisitic at objective na pamamaraan ng paglilitis.

Mayroon ba akong punto?

Advertisements

A Short History of the Color PINK

While walking around the school where I teach, something pink caught my eye. I realized there’s something wrong with what caught my eye. Too much pink, I guessed. Boy, was I right!

This is what I saw.I realized the star scouts (young girl scouts) had a meeting and so all of their bags were lined up.

Girls really love pink colored things from pencil cases, to bags, to socks to everything. Princesses wear them ( except for Fiona of Shrek) strengthening the stereotype for the color. But when did pink-is-for-girls started?

According to Mark Rayne of Suite101.com, it may be traced back to World War II when Pink did not have any gender association until the Nazis started to color code people, using a pink inverted triangle (also half of the star of David) to signify homosexuals, who were identified primarily because of feminine qualities. From then, it is plausible the color pink became associated with females.

Poor girls, stereotyped to have Pink as a favorite color. Poor boys, pink is a no-no unless they want to be stereotyped as girly boys. It is then my job, I believe, as a teacher to remove such stereotypes so as to avoid labels at such an early part of their childhood. Just because you’re a boy and likes pink means you’re gay and just because you’re a girl who doesn’t like pink means you’re a tomboy.

I say, happy childhood memories for children. No to stereotypes 🙂

Ang Old School na Boy Scouts of the Philippines

Ipinadala ako ng aking pinapsukang paaralan sa isang basic training course ng scouting upang ako ay maging leader sa KAB Scouts sa aming departamentong Kinder to Grade two (K-2).


Masaya ang buong karanasan. Pagkain pa lamang solb na solb na ako. Sayang nga lang, medyo diet mode ako ngayon kaya hindi ako masyado kumain. Marami ako natutunan, nakaktuwa nga at maraming masasayang alaala ang bumalik sa akin noong ako’y naging boyscout sampung taon na ang nakaraan.

Kaya natuwa ako ng biglang kinanata ang awit na ito:

Walking with BP, walking everyday, walking all the way…

Naalala ko noong grade three ako kung kailan nagsimula ako sa boy scouts.

Marami rin akong nakilalang mga kapwa-guro mula sa pribado’t pampublikong mga paaralan.Ako ay naging bahagi ng Patrol Biik kung saan ako ang nagdisenyo ng logo namin. 

Ang hindi ko lang nagusutuhan ay ang patakaran na bawal ang mga lalaking guro maging KAB Scout leaders sa kinder hanggang grade three. Ang problema early grades teacher ako, sa Kinder hanggang grade three talaga ang aking pinag-aralan at gusto pagkabihasaan. Kaya naman sa halip na sa KAWAN (KAB scout training: Kinder – grade 3) ako ilagay, inilipat ako sa TROOP (Boy scout training : grades 4-6).

Ayon sa kanila, dapat raw kasing mother figure ang nakikita ng mga bata sa kanilang leader sa KAB Scouts. Natawa na lang ako. Kahit mga bagong pag-aaral ay nagsasabing kailangan rin ng mga male figures ng mga bata sa paaralan sapagkat kadalasa’y wala ang tatay sa bahay upang magtrabaho.

Napaka-patriarchal pa rin ng society. Ang pangangalaga sa mga bata, ang pagtuturo sa mga bata ay tinitignan pa rin bilang gawaing pambabae na hindi dapat ginagawa ng mga kalalkihan.

Naasar talaga ako. Taga-UP pa man din ang propesor na nagsalita tunkgol sa patakarang into ng KAB Scouts. Napaka-patriarchal at napakasarado ng kanilang isipan.

Napagpasiyahan ko tuloy magsulat ng liham sa pinuno ng Boy Scouts of the Philippines para malaman nila ang aking mga valid na sentimento tungol sa patakarang ito–na bawal ang lalaking guro sa KAB Scouts:

  1. May mga kalalakihang nagtapos ng Early Childhood Education sapagkat nais nila ng buong pusong mag-turo sa mga bata
  2. Hindi lahat ng kalalakihan o kaya naman ang mga lalaking iba ang kasarian ay mga child molesters.
  3. Kailangan rin ng mga bata ng father figure sapagkat sa panahon ngayon, ang mga tatay ay abala sa pagtratrabaho upang mabuhay ang kanilang mga pamilya.
  4. Kaya ng mga lalaking maging maaruga at magkaroon ng mahabang pasensya. Hindi lamang ang mga kababaihan ang biniyayaan ng kakayahang magalaga at magpasensya

Hindi ko naman hahayaang matapos na lamang sa ganito ang concern na ito. Naniniwala ako sa aking kakayahan at hindi ko hahayaang pigilan ako ng isang society o organisasyon na hanggang ngayon ay nakdikit pa rin sa patriarchy at male–species-ego. Isa pa, kahit mismong mga estudyante ko ay excited na maging Scout Master nila ako.

Ipagkakait ko ba yun sa kanila?

Ang Sampung Emerging Influential Blogs for 2010 Writing Project

Nabasa ko ang Top 10 Emerging Influential Blogs for 2010 Writing Project mula sa post ng isa blogger na si The Creative Dork na siyang isa sa aking napiling iboto. Dahil mahilig rin naman akong magbasa ng mga blog heto ang aking listahan:

  1. http://thecreativedork.com/ Una, dahil sa nakaktuwang layout design at pangalawa dahil sa mga blog posts na simple, may angas at may makatotohanang puna tungkol sa mga pangaraw-araw na bagay.
  2. http://plainandseph.tumblr.com/ Ang blog ng kaibigan kong si Seph tungkol sa kaniyang pagiging stylist. Payak at diretso sa punto ang blog na ito tungkol sa fashion, style at art.
  3. http://www.paolodome.co.cc/Nakakatuwa lamang ng mga kwento ni Pao tungkol madalas sa kaniyang writer’s block habang tuloy ang pagkwento o pagbigay ng kuro-kuro tungkol sa iba’t ibang mga bagay.
  4. http://no-benta.blogspot.com Parang napaka-well researched ng blog na ito. Noong nabasa ko yung entry tungkol sa Ozone Layer Tragedy, namangha ako sa mga impormasyon at interpretasyon ng mga ito na tila pinagisipan at pinagsaliksikan kaya naman babasahin ko na ito at iboboto na rin.
  5. http://thebloggingadvertiser.com Ay nagustuhan ko dahil sa nakakatuwang perspektibo ng babae tungkol as buhay ng isang advertiser. Interesado ako sa blog na ito pagkat wala ata akong alam sa advertising kaya binabasa ko na lang kung ano ang naiisip ng advertiser at blogger na ito .

Salamat sa mga sumusunod na sponsors: Events and Corporate VideoBudget hotel in MakatiPinoy Party FoodCopyediting ServicesPR Agency PhilippinesBudget Travel PhilippinesSend Gifts to the PhilippinesBlack Friday DealsRoomrent – units for rentSearch Profile Index, and Corporate Events Organizer.