Options

School competitions happen all year round and last week I had my first taste of coaching for a National Storytelling Competition. Training 6 students, five of which are new to the art of book-based storytelling, I was able to share my craft to six wonderful students who each carefully listened, took criticism positively, trained and trained some more. I was one happy teacher then when two of my trainees qualified in their category (grades 4-7) and made it to the top 8 out of 88 storytellers.

I realized that I owe it to them to be thereon the finals which was held at the Manila International Bookfair but which unfortunately coincided with an Outdoor activity I was required to attend as an applicant of the UP Mountaineering.

And since to me everything comes secondary to teaching, I sadly but unregretfully let go of my mountaineering for now to there for them. They made me even more proud when one of my students bagged the silver. Top 2 out of 88 ain’t bad at all.

Options we take will always have implications. Trying again isn’t always easy. Like in my case, I just can’t easily try again. I have to patiently wait for next year’s open application of UPM. Although I won’t be repeating from scratch, as I am now a continuing applicant, it would be challenging to maintain my running and climbing form outside the organization.

Feeling sad was inevitable. I did put a lot of effort in the application process. I even had withdrawal symptoms from stopping “to get” the UPM high. But then again, my second grade students made it a lot easier. As I explained this to them, I was surprised that the next day my students and  surprised me with letters, posters and a balloon all comforting me with words like

Teacher JM, hayaan niyo next year papasa na kayo sa Mountaineering

Teach, thank you for choosing us over UP Mountaineering

Thanks so much for coaching us, hayaan niyo po may silver naman tayo.

And I wasn’t able to stop to feel all the cheesiness inside me. Good thing I didn’t let a tear drop. It almost did.

I learned from my co-teacher that they were quite bothered by it and asked her if they could give me a surprise. My co-teacher then used this as an opportunity to practice writing letters in a very meaningful experience.

Shucks. If there is one constant thing in my life right now, it is my love for teaching. I know I am only in my first year and burnout is a big threat, idealism might make me lose my mind but all I can say right now is I am happy teaching.

Teaching ain’t the flashiest, it’s just one of the happiest jobs ever.

Agawang Buko

Nung isang linggo, ginanap ang Family Day sa Grade 2 ng aming paaralan. Higit dalawang buwan na namin itong pinaghandaan kaya naman nakakatuwa na lahat ay nasiyahan sa isang kakaibang family day.

Filipino Outdoor Games ang napagdesisyonang gawing theme. Tuwang tuwa kami ng aking co-teacher na si Teacher Haydee dahil Hunyo pa lamang e ito na ang gusto naming gawing theme. Ang galing na pumayag ang mga magulang na ang family day ay sa putikan, umaraw man o umulan.

Ito ang aming mga nilaro:

  • Karera ng Sako
  • Ipit Abaniko
  • Hilahang Lubid
  • Palo Sebo
  • Agawan Buko

Di ko akalaing isasali pala ako sa larong latumbas ng Rugby ng Europa–ang Agawan Buko. Hindi ko alam na sobrang nakakapagod at napaka-pisikal ng larong iyon. Kaya naman natuwa ako na nasiayahan ang aking mga estudyante at ang kanilang mga magulang nang makita nilang kaya pala makipagsabayan ni T.JM sa mga tatay nila.

Isa sa mga rason kung bakit ito ang aming napiling theme at dahil bihira na lamang makapaglaro sa labas ang mga bata sa mga kadahilanang may basehan at katotohanan.

  • delikado sa labas dahil baka kung ano ang mangyari
  • wala na masyadong lugar na palaruan
  • mas may access na ang mga bata sa internet at computer kung saan maraming mga laro at gawain na hindi na kailangang lumbas pa
  • may mga batang mas sakitin tulad ng pagkakaroon ng allergies at asthma

Sabi nga ni Sue Palmer sa kaniyang librongToxic Childhood wala nang pagkakataong matutunan ng mga bata ang bagay na sa labas lamang ng bahay maaaring matutunan tulad ng pagakyat ng puno na nag-de-develop ng gross motor skills.

Maliban dito, kaya namin nais bigyan ng pagkakataon ang mga bata makapaglaro sa labas ay dahil sa mga Triviang ito.

  • Alam niyo bang mayroong bacteria sa putik na nakakapagpalabas ng endorphins o happy hormones sa ating katawan?
  • Alam niyo bang kapag mas maraming kulay berde na bagay sa palaigid tulad ng halaman at mga puno ay mas maayos ang paglaki ng bata sa emosyonal at intelektuwal na aspeto?

Nakakatuwa ring isipin na may mga batang maselan sa putik kaya buti na lamang napilitan silang maglaro sa putik at damo na makakabuti sa kanila.

Masaya ang naging Family Day. Sana nga lang kasama ko rin ang aking pamilya o kaya’y kasama ang sinisinta o iniirog. Kung sino man siya o kung mayroon man. LOL

Ang Ending ni Doraemon

Matapos ang ang aking pagpasa sa level 2 climb at 10 kM run, matapos ang unang markahan at magawa ang mga grado ng aking mga estudaynte, at matapos magtapat sa isang crush (hehe) ay nalaman ko ang katapusan ng isa sa mga paborito kong cartoons –Ang Doraemon.

Mayroon palang tatlong iba’t ibang katapusan ang Doraemon.

  1. Tumama ang ulo ni Nobita sa bato kaya siya ay na-comatose. Binenta ni Doraemon lahat ng gamit niya para mapaoperahan si Nobita kaya lang hindi ito naging matagumpay. Nabenta na ni Doraemon ang lahat maliban sa isang gamit na ibinigay niya kay Nobita. Ito ay magdadala kay Nobita sa kung saan man o kailanmang panahon. Sa dulo ay pinili ni Nobita pumunta sa langit.
  2. Si Nobita ay batang may Autisim na nasa bingit ng kamatayan. In-imagine lamang ni Nobita ang lahat ng tauhan kasama na si Doraemon na nagpadali at nagpasaya sa nalalabi sa buhay niya.
  3. Naubusan ng battery si Doraemon na isa palang robot. Maaring palita ang battery ngunit mabubura ang lahat ng memory ni Doraemon. Ang isa pang maaring gawin ay maghanap ng Robot technician upang buhayin uli si Doraemon kaya naman nag-aral mabuti si Nobita, nagtapos ng kolehiyo at naging Robotics Professor at AI Developer. Kaya naman nabuhay muli si Doraemon at ang pagkakaibigan nila ay nagpatuloy.

Ayan ang mga endings galing sa (http://jeny.multiply.com). Syempre hindi nagustuhan ng mga fans ang suggested “pessimistic” ending kaya nagkaroon ng “optimistic ending.”

Ang saya ng cartoons! Iba’t iba ang maaring ending para sa mga tauhan. Sana tayo rin no? Alam sana natin ang ating mga katapusan. Kunwari na lamang kung may pag-asa ka ba sa sinisinta o kung makakapagtapos ka ba ng Masters Program.

Hehehe.