Agawang Buko

Nung isang linggo, ginanap ang Family Day sa Grade 2 ng aming paaralan. Higit dalawang buwan na namin itong pinaghandaan kaya naman nakakatuwa na lahat ay nasiyahan sa isang kakaibang family day.

Filipino Outdoor Games ang napagdesisyonang gawing theme. Tuwang tuwa kami ng aking co-teacher na si Teacher Haydee dahil Hunyo pa lamang e ito na ang gusto naming gawing theme. Ang galing na pumayag ang mga magulang na ang family day ay sa putikan, umaraw man o umulan.

Ito ang aming mga nilaro:

  • Karera ng Sako
  • Ipit Abaniko
  • Hilahang Lubid
  • Palo Sebo
  • Agawan Buko

Di ko akalaing isasali pala ako sa larong latumbas ng Rugby ng Europa–ang Agawan Buko. Hindi ko alam na sobrang nakakapagod at napaka-pisikal ng larong iyon. Kaya naman natuwa ako na nasiayahan ang aking mga estudyante at ang kanilang mga magulang nang makita nilang kaya pala makipagsabayan ni T.JM sa mga tatay nila.

Isa sa mga rason kung bakit ito ang aming napiling theme at dahil bihira na lamang makapaglaro sa labas ang mga bata sa mga kadahilanang may basehan at katotohanan.

  • delikado sa labas dahil baka kung ano ang mangyari
  • wala na masyadong lugar na palaruan
  • mas may access na ang mga bata sa internet at computer kung saan maraming mga laro at gawain na hindi na kailangang lumbas pa
  • may mga batang mas sakitin tulad ng pagkakaroon ng allergies at asthma

Sabi nga ni Sue Palmer sa kaniyang librongToxic Childhood wala nang pagkakataong matutunan ng mga bata ang bagay na sa labas lamang ng bahay maaaring matutunan tulad ng pagakyat ng puno na nag-de-develop ng gross motor skills.

Maliban dito, kaya namin nais bigyan ng pagkakataon ang mga bata makapaglaro sa labas ay dahil sa mga Triviang ito.

  • Alam niyo bang mayroong bacteria sa putik na nakakapagpalabas ng endorphins o happy hormones sa ating katawan?
  • Alam niyo bang kapag mas maraming kulay berde na bagay sa palaigid tulad ng halaman at mga puno ay mas maayos ang paglaki ng bata sa emosyonal at intelektuwal na aspeto?

Nakakatuwa ring isipin na may mga batang maselan sa putik kaya buti na lamang napilitan silang maglaro sa putik at damo na makakabuti sa kanila.

Masaya ang naging Family Day. Sana nga lang kasama ko rin ang aking pamilya o kaya’y kasama ang sinisinta o iniirog. Kung sino man siya o kung mayroon man. LOL

2 thoughts on “Agawang Buko

  1. isang dahilan kung bakit tuwang-tuwa ako sa pe nung grade school kasi sa labas ng classroom ginagawa.
    masyadong maarte na ang ibang magulang ngayon. ayaw maputikan ang mga anak! kung alam ko lang noong bata pa sila nagtatampisaw din sila sa putikan! hehe.

    • ako nga rin e🙂 ang saya pag sa labas ng classroom ginagawa ang mga pagtuturo. Nakakatamad kasi kapag laging sa loob ng silid-aralan lamang nagaganap ang pagkatuto🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s