Resign Pala Ha?

One of the Engagement activities I painted for my Kids🙂

Dahil tingin ko ibinigay ko na ang lahat sa trabaho at na-burn out ako ngayong linggo, The Giving Tree ni Shel Silverstein ang tinuro ko sa mga bata.

At focus ko: Loving back people who love you.

Drama book for grade 2. Muntik na namang may umiyak na bata. Well ako hindi ako umiyak ngayong linggo (WEH?!).

Ok. Binalak ko mag-resign. Pinasa ko ang resignation paper. Nag-isip ako uli at binawi. Mukang ewan nga lang actually. Kaya naman hindi na nakapagtataka na nasabon ako dun. Sorry talaga.

Isa pang ok. Na-realize ko lang teh na ang exag at ang drama ko minsan. Feeling ko kasi nasa pelikula ako at may conflict. Iba na nga papanoorin ko. Si Popoy at Basya kasi nagsimula ng linggong ito. Ayan ONE MORE CHANCE ang drama ng career ko.

Isa pa ulit na OK. Hay naku, kahit ilang beses ko i-try iwan, tae! Mahal ko yung pagtuturo sa early grades. Pera lang talaga at pagod ang kalaban mo. In-attempt ko na naman lumipat ng trabaho (sales trainer ang kinokonsider ko. San ka pa?!). Wow lang ang walang kwenta at unecessary effects nito sa buhay ko.

Last na ok. Hindi naman ako nag-sna-snap everyday pero na-realize ko kulang pa efforts ko sa pag-deal sa emotions ko. Tae much. Tama, I-tatae ko na lang ito.

Ang bakla na masyado ng post na itech. Dahil  diyan, nanalo kaya si Heart Dino sa Elections?

Recover mode muna ako. Napagod ako sa drama ng linggong ito.

Special mention kay Maam Dedette ng UPIS CA EMA department sa oras na ibinahagi niya sakin at sa pagtulong niya sa aking mag-isip ng mas obdyektib (sorry at nawala ang etymology sa pagbabay ko ng objective). Teach! You saved my life today🙂

Sa mga nagbabasa na hindi naman nag-co-comment: mag-comment naman kasi kayo bigla ko na lang nalalaman binabasa niyo pala ito😛

BTW: Adjectives at Fractions ang tinuturo ko ngayon habang Canon formation at deformation ang sa MA. (wow, magkaugnay lang, hindi ba?)

2 Papers (MA) for March. Postive thoughts na agad! Dami kong babawiin at itatama sa buhay ko. KERI!

11 thoughts on “Resign Pala Ha?

    • I miss ya! Thanks so much! Yeah and thanks for reminding me to pray. nakakahiya man pero sometimes I forget. HUGS! Karen yung address hahaha sorry Im sending you a postcard hehe sorry yun lang kaya ko

  1. Hello teach!:) Napadpad ako sa blog mo pagkatapos ko i-Google ang mga katagang “public school teacher philippines blog.” Guro rin ako sa isang private school dati. Pagkatapos magresign, nagfull time MA student ako. Nais ko makabasa ng mga kwento ng ibang titser dahil pinagninilayan ko kung lilipat ba ako sa public school. Nakaka-inspire ang mga kwento mo. Nakakatuwa na hindi ka sumusuko kahit na may mga araw na tulad ng naikwento mo sa post na ito. Ako, dahil sa pagod sa pagtuturo sa Pampanga at pagluwas sa QC para sa MA, minsan na akong sumuko pero nais kong bumalik. Napapanaginipan ko ang pagtuturo at namimiss ko ang sayang (pagod at lungkot, minsan) dulot ng classroom at ng mga bata. Lalo pa ngayong nabasa ko ang mga posts mo. Sana ipagpatuloy mo ang pagsusulat dito, teacher. Hindi lang mga estudyante mo ang natutulungan mo, pati ang mga kapwa guro mo na nakakabasa ng mga kwento mo. Salamat!:)

    • marmaing salamat😀 Hindi nga ako makapagsulat masyado kasi nagiisip na rin ako tungkol sa pagtuturo haha ,Minsan kasi nakakapgod rin pala. Pero nkatutuwa naman na nabasa mo ito😀 Sana ay nasa mabuti ka namang kalagayan😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s