The Polar Express: Huling Kwento para sa taong 2011

Patapos na ang taon.Bilang huling kuwento at lesson sa taon 2011,  binasahan ko ang aking mga estudyante ng isang madramang libro na Caldecott awardee–The Polar Express.

Simple lamang ang mensahe na gusto kong maparating sa aking mga estudyante. Ito ay ang maniwala lamang sa kung ano man ang kanilang pinaniniwalaan: kay Santa Claus, sa mga anghel, sa pangakong uuwi si nanay ngayong pasko, sa pangakong hindi na iinom si tatay, sa kanilang mga sarili, sa pag-ibig, sa kahit ano pa mang magagandang bagay.

Nais ko na sana mapanatili nila ang kanilang paniniwala kahit sabihin pa sa kanila ng ibang tao na hindi totoo o hindi mangyayari o imposible ang kanilang inaasam, minimithi, ninanais. Marami na masyadong negatibong pananaw sa mundo, hindi naman masamang mangarap at maniwala.

Drama lang. Haha. Kasi naman, ang seryoso masyado ng buhay ko nowadays. Dami masyadong teorya, mga clashing ideas,  mga puna, mga problema. Ano ba yan! Haha kung tutuusin kailangan lang naman natin maniwala at umasa.

Drama talaga Hahaha. Anyway, pasko naman. Natuwa naman ako sa aking mga estudyante. Tuwang-tuwa at kinig na kinig sila. Isang maligayang kwento para kapaskuhan😀

6 thoughts on “The Polar Express: Huling Kwento para sa taong 2011

  1. Wala talagang wawagas pa sa isang pusong naniniwala. Naks! haha! totoong, marami ng mga negatibong pananaw ang mundo. Masyado nang malayo ang naabot ng isipan ng tao kaya’t sinusubukan niyang sagutin ang kahit anu mang tanong na sumasagi sa kanyang isipan. ngunit tulad ng isang bata, minsan, ang kailangan lang natin ay matututong maniwala at maghintay–tulad ng paniniwala sa kabutihan at paghihintay sa tunay na pagmamahal.❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s