Nabundol ang aking ego.
Kahapon ay enrolment. Muli ko na namang nakaharap ang aking propesor na magaling, halimaw (in a colloquially positive way) at “Siya-na” (as in international credentials). Kulang na lang sabihin sa niya sa akin na pinasa niya ako dahil naawa siya. Pero hindi naman iyon ang sinabi niya. Parang ganito ang kaniyang winika.
I would have had given you a singko (5) if I didn’t see your performance throughout the sem
Sa kasawiang palad, mukhang naawa nga lang siya talaga sa akin. Totoo naman kasi, citations at referencing na lang, hindi ko pa nagawa ng maayos. Kung tutuusin dapat nga namang kabisado ko na ang tamang pagsulat ng papel bilang nasa gradwadong antas na ako ng pag-aaral.
Sa isip ko gusto ko sisihin ang aking nakakapagod na trabaho, ang kolehiyo ng edukasyon na hindi naman talaga ako sinanay sa formal papers dahil halos puro reflections, anecdotes, journals at lesson plans lamang ang pinagawa sa amin, hindi magaling magturo ang aking teacher,ย at kung anu-ano at sinu-sino pa. Kaya lang wala naman akong karapatan. Hindi na ako bata para magturo at manisi. Kung totoo mang mahirap ang trabaho at kulang ang aking kasanayan, tiyak na may pagkukulang rin naman talaga ako. Sa katunayan, ito nga ang pagkakahati ng karamihan ng oras sa bawat buwan ng buhay ko.
Pansinin ang oras na nagagamit ko sa internet(sa blog at sa mga social networks)at ikumpara sa oras na ginugugol ko sa pag-aaral ng MA at pagtratrabaho. Halos pantay lamang. Hindi na kailangang pang ipaliwanag ang aking kakulangan.ย Aayusin ko ito. Sisiguraduhin kong mas dadami ang aking pagbabasa, pag-aaral at pagtuturo sa mga susunod na buwan. Pag-aaralan ko ang mga bagay na dapat kong malaman para mas maging isang mahusay na gradwadong mag-aaral at guro. Wala akong ibang kakalabanin kung hindi ang sarili ko lamang.
Kaya ‘to! Babawi ako.
Ano ngayon kung nabundol ang ego ko? Oo medyo masakit pero walang panahon para malungkot at mawalan ng pag-asa sa aking pangarap na maging isang magaling na guro. Kailangan kumilos! ๐
inspiring jm ๐ nakakarelate ako ng konti. hehe. tama ka, wala tayong ibang kalaban kundi sarili natin. go lang ng go!
Salamat! Sarili nga ang pinakamahirap na kalaban ๐
Some lessons are better learned the hard way talaga. Senyales na ito na kailangang mag-level-up sa graduate school.
tama! hindi pwedeng basta-basta na lang ๐ sana hindi pa huli ang lahat!
Malayo pa lalakbayin mo, marami ka pang mararanasang makakabunggo sa ego mo. Pero kapit lang, at least ngayon alam mo na kung ano ang mga mali mo noon at alam mo na kung paano sila iiwasan. Ang mahalaga, binigyan ka ng pagkakataong bumawi kaya go lang teach. Bumawi ka para sa sarili mo at para sa mga studyante mo sa kinabukasan.
salamat ๐
ang lakas nga makahigop ng oras ang internet kung minsan.
pero kaya mo yan, JM! aja! ๐
salamat Karen! Miss you na hindi ko pa alam paano matutupad ang Spain dream ko ๐
HAhaha, ayos din ang oras sa TWT at FB ah. Go kaya mo yan! =)
hahaha salamat! ๐
Walang oras for lovelife? ๐
Kaya mo yan, kalabanin ang sarili. Go go go!
haha naku choice naman mawala ng oras para sa mahal sa buhay. hehe kaya merong lovelife pa rin! budget bidget lang ng oras ๐
Actually, the time spent for Twitter can possibly be used to supplement your acads. Try to search for Twitter contacts that are related to your niche. For example, you can try tuning in on #edchat if you want to get to meet and know more about educators from the different parts of the world as they participate on the #edchat session.
wow ๐ thanks for the tip!
Ako ba naka-inspire sa’yo na gamitin ang salitang guro? hehe (sana ako!)
hehe, you’re welcome. ๐
guro? well, it’s actually my brother (and his blog): http://guro.edublogs.org/ ๐
hahaha ๐