Nang ako ay Masuwelduhan

Sa Ikatlong buwan ng pagtuturo dumating ang aking unang suweldo. Alam naman ng lahat na hindi kalakihan ang nakukuha ng mga guro pero ok na rin naman para sa isang solong nilalang tulad ko na wala namang dina-date o kung anuman (ang pait!).

Katulad ng aking plinano, pagtanggap ng aking suweldo ay kaagad kong tinawagan ang aking mama upang sabihin na sa pag-uwi ko sa linggo ay lalabas kaming pamilya at ako ang taya. Hindi ko akalaing masarap pala talag sa pakiramdam ang malibre mo ang pamilyang gumabay at sumoporta sa iyo mula noong akoy musmos pa lamang.

Bagama’t sa simpleng fast food ko lamang sila nilibre at bagamat pagkain lamang nang kami’y manood ng sine (astig ng SALT!) ang aking binayaran (puro pagkain ata nagastos ko)  sadyang ako’y natuwa na kahit papaano’y kaya ko ng magbalik sa aking pamilya lalung-lalo na sa aking pamilya. Hindi dahil sa ako’y may utang na loob kung hindi dahil gusto kong maipakita sa kanila na kahit ako’y sumusweldo na’y hindi ko sila makakalimutan bagkos mas mamahalin pa kahit sa simpleng pinansiyal na suporta lamang.

Simpleng mga bagay na sobrang magpasaya.

Salamat sa Panginoon sa mabuting pamilyang kinalakhan ko.

5 thoughts on “Nang ako ay Masuwelduhan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s