Ng sa Trabaho’y Magkagulo at Ang Gurong Iyon

career.truman.edu/.../coverletters.aspMasaya ako sa aking trabaho, nakakapagod, nakakawala ng boses ngunit sadyang gusto at pangarap ko ito. At dahil ito ang aking kauna-unahang full-time job, hindi ko naisip na hindi lamang pala sa  mismong trabaho makakakita at makararanas ng pagod at stress. Ito kasing nakaraang linggo, nahuli na ang kumuha ng nawawalang laptop ng departamento.

Hindi inaasahan ng lahat na isa palang kapwa  guro ang kumunuha ng nawawalang laptop. Kaya galit na galit sila sa gurong iyon. Ramdam ko ang galit at poot sa loob ng faculty ng halos isang buong linggo. Nakakalungkot at nakakahawa ang stress na dala ng sitwasyon.

Bagamat walang maikakatwiran ang gurong iyon nalungkot ako sa lahat ng mga sinasabi ng ibang mga teachers tungkol sa kanya. Kahit papaano, naging kaibigan ko rin naman kasi ang guro iyon kaya naman kahit gulat na gulat ako, tingin ko ay hindi na makatarungan ang ibang mga pinagsasasabi nila tungkol sa gurong iyon.Sa tingin ko kahit hindi ko kaibigan ang salarin may mga bagay na hindi na dapat sinasabi.

OO, siya nga ang kumuha ng laptop pero hindi na ata tama na pagusapan pa na ang boyfriend raw niya na galing rehab, na mahirap sila, na may mga tanong siya sa discussion sa klase na common sense lang at walang kwenta at sadyang ayaw lang talaga nila sa gurong iyon. Maaari naman siguro ito pag-usapan sapagkat opinyon nila ito pero sana’y hindi sa panahong lugmok na lugmok na ang gurong iyon sa pagkakamali na kaniyang nagawa at sa epekto nito sa kaniyang paligid. Ang masaklap pa nito mismong mga co-teachers ko ang nagkuwento sa iba pang teacher sa ibang departamento.

Alam ko hindi ko sila masisisi sapagkat nakaktakot at nakagagalit nga namang may isang taong sumira ng tiwala nila ngunit pakiramdam ko may mas mabuting paraan para ilabas ang takot at galit na ito.

Hindi ako nagmamalinis. Sigurado ako na minsan ko na ring hinusgahan at pinag-tsismisan ang isang tao ngunit kahit papaano ay pinipigilan ko naman ito. Sabi nga nila

hate the sin, not the sinner

Nang makarating ang balitang ito sa principal, hindi pinyagan ang gurong iyon na mag-resign para sa isang honorable dismissal. Mukhang siya ay sisisantihin dala ang pangalan ng “magnanakaw.” Paano na lamang isya makakukuha ng isa pang trabaho. Bata  pa siya, may nagawang pagkakamali na tingin ko ay hindi naman niya ginusto, at marami pa siyang pwedeng gawin.

Sana lamang naiisip ito ng ibang tao. At sana may lakas ako ng loob para ipaalala ito sa kanila ng walang pagmamarunong at pagmamalinis. Gusto ko lang sana ng isang humanisitic at objective na pamamaraan ng paglilitis.

Mayroon ba akong punto?

9 thoughts on “Ng sa Trabaho’y Magkagulo at Ang Gurong Iyon

  1. hindi lamang sa ating propesyon nangyayari ang ganito. ang ikinalulungkot ko lang ay may mga taong nais gawing mas malala o kumplikado ang sitwasyon. yun bang dumagdag pa sa problema at hindi tumulong para sa isang solusyon. maliban ba dito, may mga taong gustong nakikitang bumagsak ang kapwa nila. o kaya naman ay binibigyang-kulay ang mga bagay na sana ay di naman talaga mahalaga.
    bilang isang guro, kailangan talagang maging maingat sa ikinikilos at sinasabi. hindi lamang ang sarili natin ang apektado, maging ang eskuwelahan at ang propesyon.

    • tama, minsan naiisip ko ang hirap pala talaga maging guro. Kahit masaya ako sa aking napiling propesyon at bokasyon, matindi pala ang hinihingi niton kapalit mula sa isang taong gusto maging guro. Ang reputasyon mo ay dapat laging sumasangayon sa kung ano dapat ang isang guro.

  2. ang hirap naman ng nangyari sa kanya pero siguro may malalim na dahilan. yun nga lang, once na mawalan ng tiwala sa’yo ang isang tao, mahirap nang bawiin. kawawa naman siya kung sisisantihin. hirap maghanap ng trabaho.😦

  3. magagawa lang natin ay magdasal para sa kaniya at para satin din… nakapanghihina nga talaga ang sunud-sunod na pangyayari sa departamento natin, at sa unang taon mo pa sa trabaho… nakalulungkot rin na ang ginawang solusyon sa pagkakamali niya ay isa pang pagkakamali. patung-patong… pero may kani-kaniyang opinyon talaga ang bawat isa na nais nilang ilabas, naging marahas ng lang ang pagkakabigkas ng bawat salita, masyado ang panghuhusga…

  4. may boundaries nga naman. at first talaga di mapipigilan ang badmouthing eh.. pero it should stop at some point. kawawa naman siya. parang na-double jeopardy siya… sinesante na nga tapos branded pang magnanakaw… tapos nanakawin pa sa kanya ang chance for a new start. naaawa ako. haaaaay. si Lord na bahala sa kanya.

  5. maraming bagay ang dapat sana’y inisip bago ginawa ngunit kung nalalabuan ang isip paano pa nga ba
    mag-iisip.sana lang ay may magtiwalapasakanya upang makabangong muli at di na magkasala.-

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s