Limang Bilang at Tatlong Palabas

Ikatlong linggo ko na ito ng pagtuturo. Alam ko dapat hindi ako nagbibiliang ngunit hindi ko mapigilan. Paano ba naman, ang daming pagbabago at pag-a-adjust ang aking ginagawa.

  1. Ang hirap pala mag-budget ng pera. Ngayong hindi na ako estudyante, sagot ko na ang aking pang araw-araw na gastusin. Mula sa pagkain, tirahan, damit at kahit pamimili ng mga gamit, ako na ang namamahala sa mga ito.
  2. Iba pala talaga ang pagiging guro mula sa pagiging practicum teacher. Kailangan ko na magkaroon ng sariling pamamaraan sa pagdidisiplina at pagtuturo. Wala ng supervising teacher na nariyan para gumabay araw-araw.
  3. Sinusubukan pa rin ang aking time-management skills. Di tulad ng ibang trabaho, araw-araw may uwing gawain ang mga guro para sa susunod na araw (tulad ng paggawa ng worksheets, materials at lesson plans). Kaya naman nangangapa pa ako sa kung paano ko pagkakasiyahin lahat ng aking mga gawain sa iisang araw o iisang linggo. Nakakapagod pala ang pagtuturo.
  4. May mga taong sanay akong makita at makasama na hindi ko na madalas makita’t makasama. Kasama na rito ang aking pinaka-matalik na kaibigan na nag-a-adapt rin sa pagiging guro, iba pang kaibigan na dati rati’y madali lamang hagilapin na ngayo’y may kani-kaniyang trabaho na, at isang mahalagang taong nasaktan ko ngunit sadyang hanggang ngayon ay na sa isipan  ko pa rin.
  5. At ang pinakamahalagang pagbabago at pag-a-adjust na aking ginagawa ay ang paninindigan ng pagiging isang tunay na guro na nangangahulugang pagiging tuwirang modelo sa mga mag-aaral sa loob at labas ng paaralan.Hindi na ako basta-bastang maaring gumawa ng mga bagay na gusto ko sapagkat responsibilidad ko na ang kung anu man ang imaheng nakikita na mga mag-aaral sa akin.

Masaya naman ako sa aking napiling bokasyon. Ngunit hindi kaila na mahirap siyang talaga. Dasal ko na sana’y hindi ako mapagod magturo sa mga bata sapagkat ang pagtuturo sa kanila ang nagbibigay kaligayahan sa akin.

Katulad ng lagi kong sinasabi sa aking mga kaibigan, kapag nagtuturo ako sa mga bata dama ko ang presensya ng Maykapal na bumabalot sa akin kahit na galit o asar na ako sa mga batang lagi na lamang pasaway.

Heto na. Nagsisimula na ang aking paglalakbay bilang isang guro.

At para simulang ang linggong ito, nanood ako ng Toy Story 3 kasama ng aking mga kaibigan. Nakakaiyak at nakakaluha at nakaka-sentimental. Naalala ko pa noong una kong napanood ang Toy Story 1 at 2 (itaas na larawan). Pagkatapos ng labing-isang taon at pagkatapos ng napakaraming mga pangyayari sa buhay ko, binalik muli ako ng Toy Story 3 sa aking masayang kabataan.

Pinaalala sa akin ng palabas na ito na nagbabago nga talaga ang buhay. Napakabilis pa nito. Bumilang ka lamang ng tatlong parts ng isang movie marami na ang maaaring mangyari. Para lang akong si Andy. Parang kelan lamang, nagsimula ako sa Kolehiyo. Ngayon, Nagsimula na akong magtrabaho

TOY STORY 3 rocks🙂

8 thoughts on “Limang Bilang at Tatlong Palabas

  1. parang salamin tlga ng buhay natin ung Toy Story series,kaya sulit ung pinang sine natin hahahaha! da best tlga!😀

    • siguro naman🙂 Masaya ako e pero sigurado dadating yung point na tatanungin ko sarili ko kung eto na ba gusto ka gawin sa buong buhay ko🙂

      • nakikita ko naman knowing you sir, na pag dumating ang point nayan, alam kong alam mo ang isasagot mo sa tanong mo. =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s