Ang Natutunan Ko mula sa Fashion Show

Inanyayahan ako ng aking kaibigan na si June Samson Pugat upang manood ng Philippine Fashion Week: Grand Allure Collection sa SMX Convention Center noong Linggo. Kasama ng aking pinsan at kaibigan, natunghayan namin ang mga damit na dinisenyo ni June kasama ang mga damit na gawa ng iba pang mga fashion designers.

Syempre bilang isang fashion event iyon, bihis na bihis ang mga tao. Nakatatawa (hindi nakatutuwa)  lang kasi sobrang gamit na gamit ang mga fedora, vests, at mga man bags at purses na mas gusto kong tawaging gay bags at purses sa dahilang hindi na kailangang ipaliwanag.

At dahil bahagi ang palabas na ito ng fashion world kung saan ang hitsura, pananamit at katawan ang mahalaga maaring sabihing hindi gumagana ang konsepto ng beauty within sa larangang ito. Hindi naman nakikita kung mabait, masipag, mapagpatawad o kung ano ka pa. Ang mahalaga maayos at maganda ka tingnan. Ngunit hindi rin naman nangagahulugang basta basta ka na lamang manghuhusg. Aaminin ko dala ng inggit parang gusto kong pumuna ng pumuna ng mga tao sa fashion show na iyon. Pero sa totoo lang wala tayong karapatang humusga lalu na kung ang nakikita lang natin ay ang panlabas na kaanyuan. Siguradong ang lahat ay may kaniya-kaniyang iniisip sa buhay at siguro’y pinagdaraanang mga pagsubok.

Minsan, dahil insecure o naiinggit tayo, pumupuna tayo ng mga mali ng iba. Parang sa Fashion world, mayayaman ang karamihan, magaganda ang mukha’t katawan pero kung di tayo dapat pumuna ng mga pangit at mahihirap ganun rin tayo dapat sa mayaman at maganda.

Maliban sa napakgandang palabas sa fashion week na ito, at maliban sa ito ay kauna-unahang fashion show na aking pinuntahan, ito rin ang nagturo sa akin mas maging kuntento sa sarili ko at huwag mang husga🙂

2 thoughts on “Ang Natutunan Ko mula sa Fashion Show

  1. LOL @ gay bags! hahahaha

    at saka (T_T) touched @ “Minsan, dahil insecure o naiinggit tayo, pumupuna tayo ng mga mali ng iba…mas maging kuntento sa sarili ko at huwag mang husga.”

    you never fail to catch a reader’s emotion. hehehehe

    • natawa rin ako sa gaybags LOL

      hehehe. Salamat naman. Iyan kasi natutunan ko. Dami ko pa kasi insecurities e na dapat harapin🙂 i think i should love myself more😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s