World Turtle Day

Mula noong taong 2000, ipinagdiriwang  tuwing Mayo 23 ang World Turtle Day upang mas lumaganap ang kaalaman tungkol sa mga pagong at pawikan. Kaya naman humingi ng storyteller o kwentista ang Manila Ocean Park mula sa Alitaptap Storytellers Philippines at ako ang napili nilang ipadala upang magkwento.

Napansin lang ng kapwa ko kwentista na sa Philippine children’s literature kadalasa’y negatibo ang karakter ng mga pagong sa mga sikat na kwento. Nariyan ang Why Do Turtles Carry Their Homes kung saan ganid o greedy ang pagong. Nariyan rin ang Alamat ng Pagong kung saan naging pagong ang mga magnanakaw bilang parusa. Isama pa diyan ang Ang Bugnuting Pagong kung saan mayabang at masungit ang pagong.

Buti na lamang nariyan ang Si Pagong at si Matsing, kung saan matiyaga at matalino si pagong, at Si Pilandok sa Pulo ng mga Pawikan kung saan iniligtas ni Pilandok ang mga itlog ng mga pawikan. Ang huling binanggit ang siyang umangkop sa pagdiriwang kaya naman iyon rin ang aking ikwinento.

Maayos naman ang naging pagkwento bagamat medyo pagod na ata ang mga batang aking kwinentuhan sa paglakad sa Ocean Park. Natapos ang kwentuhan sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga itlog na papel ng mga mensahe para sa mga pawikan.

Para sa storytelling na ito, binigyan ako ng dalawang complimentary tickets sa Manila Ocean Park. Pinaalala rin sa aking ang kaibahan ng pagong sa pawikan. Naipapasok ng mga pagong ang kanilang ulo at mga galamay papasok sa kanilang shell samantalang hindi ito kayang gawin ng pawikan. Mas mabilis namang lumangoy ang mga pawikan kaysa sa mga pagon.

Pagkatapos ng masayang araw ni ito, isa na lang ang hindi ko pa rin alam. Ano nga ba ang tunog na ginagawa ng mga pagong?

6 thoughts on “World Turtle Day

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s